Mga Dapat Malaman Tungkol sa COVID-19 Vaccine

Mga Dapat Malaman Tungkol sa COVID-19 Vaccine

This is a time for facts, not fear. This is a time for rationality, not rumours. This is a time for solidarity, not stigma.

Dr. Tedros Adhanom Ghebreyesus| WHO Director

Ayon sa Department of Health (Philippines) FB Page, nasa 9,669,940 na mga Pilipino ang nakatanggap na ng 1st dose ng COVID-19 vaccines as of July 11, 2021.
Marami pa din ang may vaccine hesitancy. Karaniwang tanong ay: Safe ba ang COVID-19 Vaccine? Maari ka pa bang mahawaan kahit nabakunahan na? Ilan lamang yan sa mga katanungan na ating bibigyang kasagutan.
MAARI BANG MAKAKUHA NG COVID-19 MULA SA MGA BAKUNA?
NO. Hindi ka maaring makakuha ng COVID-19 mula sa bakuna dahil walang live na virus sa mga bakunang ibinibigay ngayon.
MAARI PA BANG MAG-COVID 19 POSITIVE MATAPOS BAKUNAHAN?
OO, may posibilidad pa din na mahawaan ng COVID-19 virus matapos mabakunahan SUBALIT, may dagdag proteksyon ka mula sa sintomatikong  (banayad, katamtaman o malubha) COVID-19. May proteksyon ito para sa kakailanganing ma-ospital at nakamamatay na klase ng COVID-19 virus.
NAGPA-BAKUNA NA AKO PERO BAKIT NAHAWAAN PA DIN AKO NG COVID-19 VIRUS?
May posibilidad pa din na magkaroon ka ng COVID-19 matapos magpabakuna kung ikaw ay na-expose sa virus:
  • sa loob ng 14 na araw bago maturukan ng unang dose
  • sa mga araw sa pagitan ng una at ikalawang dose
  • bago mabuo ng katawan ang proteksyon mula sa bakuna
  • dahil sa hindi pagsunod sa minimum safety protocols
NILAGNAT AKO MATAPOS MABAKUNAHAN. DAPAT BA AKONG MABAHALA?
HINDI. Ang mga sintomas ng pananakit, pamumula at pamamaga ng brasong tinurukan at mga sintomas tulad ng lagnat, pananakit ng ulo at pagod ay karaniwang nararamdaman matapos bakunahan. Ito ay sensyales ng nagsisimulang immune response ng katawan dahil sa bakuna. Maaring mawala ang sintomas sa loob ng isa hanggang tatlong araw.
ANO ANG GAGAWIN KUNG TUMAGAL O LUMALA ANG MGA SINTOMAS?
Kumunsulta sa doktor o sa pinakamalapit na pasilidad kung hindi ito mawala sa loob ng tatlong araw o kung lumala ito matapos ang isang araw.
FACT OR FAKE?
FAKE: Ang mga bakuna laban sa COVID-19 ay may lamang magnet at microchips para ma-track ang mga nagpabakuna.
FACT: Ang mga bakuna ay hindi naglalaman ng magnet o microchip. Ang mga bakuna ay dumaan sa masusing pagsisiyasat upang matiyak na ligtas ito.
FAKE: May sangkap na fetus ang mga bakuna.
FACT: Ang mga COVID-19 vaccines ay hindi naglalaman ng parte ng tao. Ligtas ang mga ito at dumaan sa masusing proseso ng paggawa.
FAKE: Ang mga nabakunahan ay mamatay makalipas ang dalawang taon.
FACT: Hindi dahilan ng pagkamatay ang pagpapabakuna. Ang bakuna ay nagpapalakas ng ating immune system o resistensya.
FAKE: Hindi epektibo ang mga COVID-19 vaccines dahil minadali ang paggawa nito.
FACT: Epektibo ang mga ginawang bakuna. Dumaan ang mga ito sa mga naaayon na proseso at protocols sa paggawa ng bakuna. Kahit pawang mabilis ang paggawa nito ay sinisiguro na de-kalidad ang mga produktong ito.
References:
  1. https://doh.gov.ph/Vaccines/What-you-can-safely-do-after-receiving-the-COVID-19-vaccine
  2. https://web.facebook.com/OfficialDOHgov/posts/4475745775769973